Next PNP chief, dapat ‘di kurakot’ – PRRD

Umapela si Pangulong Rodrigo Duterte sa magiging susunod na pangulo ng Pilipinas na siguruhing ang susunod na hepe ng Pambansang Pulisya ay malinis mula sa ano mang uri ng katiwalian.

Ayon sa Pangulo, nararapat lamang na ang itatalagang PNP Chief ay hindi kurakot at nirerespeto ng lahat ng mga personnel ng Kapulisan.

Aniya, sa oras daw kasi na magkaroon ng tiwaling hepe, malamang ay magkakaroon din ng mga tiwaling opisyales at mga miyembro ng PNP.

Read More:  Ombudsman denies political motive behind cases vs Sen. Jinggoy

Giit ni Duterte, dapat ay may takot ang mga Kapulisan sa susunod na PNP Chief nang sa gayon ay gawin nila ang kanilang trabaho nang maayos at walang katiwalian.

Kaugnay nito, nanawagan din ang Pangulo sa susunod na administrasyon na panatiliin ang suporta sa PNP at sa mga tropa ng Armed Forces of the Philippines.

Read More:  Flood control probe pushes through, Baligod and 18 ‘Ex-Marines’ invited

Paliwanag nito, dapat ay masiguro ng susunod na pangulo na hindi nito pababayaan ang mga law enforcers sa bansa kagaya ng ginawa niyang pag-back up sa mga pulis para magampanan nila ang kanilang mga tungkulin.

Dahil aniya takot ang mga ito pagdating sa usapin ng human rights, dapat suportahan ng susunod na pangulo ang mga pulis at sundalo hanggang sa usaping legal ng kanilang mga operasyon.
#