Naghahanda ang Philippine National Police (PNP) sa “longer battle” sa paghahanap kay Apollo Quiboloy.
Ayon kay PNP Public Information Office Chief Col. Jean Fajardo, dahil sa lawak ng compound na pag-aari ng KOJC sa Davao City, hindi raw simple ang gagawing paghahain ng warrant of arrest laban kay Quiboloy.
Maari aniyang abutin ng oras o araw para masuri isa-isa ang mga istraktura sa loob ng compound.
May mga natutuhan din daw sila sa naunang paghahain ng warrant noong June 10 kaya nagiging maingat aniya ang PNP ngayon.
Sa ngayon mayroong mga checkpoints na inilagay ang PNP malapit sa compound.
Ayon kay Fajardo, ito’y para matiyak na hindi makakalabas ng compound si Quiboloy maging ang mga kapwa akusado nito na umano’y kasama niyang nagtatago at matiyak ang peace at security sa paligid nito.