PNP, itinuturing na welcome development ang joint investigation nila ng NBI sa Barayuga murder case

Itinuturing na welcome development ng Philippine National Police ang joint investigation nila ng National Bureau of Investigation sa Barayuga murder case.

Ayon kay PNP PIO Chief BGen. Jean Fajardo, makatutulong ang impormasyon na makakalap ng NBI para mapalakas ang kaso laban sa mga personalidad na sangkot sa krimen.

Read More:  PAGASA warns heat index could exceed 52°C in parts of the Philippines

Handa umano ang PNP na ibahagi sa NBI ang case folder ni Barayuga sakaling may makuha silang mga dagdag na ebidensya.

Read More:  Marcos names Rodil Zalameda as new Supreme Court chief justice

Hinihintay na lamang ng PNP ng availability ng asawa ni Barayuga para sa affidavit at nakahanda na ang kasong isasampa para sa mga indibidwal na sangkot sa pagpatay sa dating PCSO Board Secretary.