PNP, hiniling na ma-access ang CCTV camera Robinsons Mall para sa backtracking

Pinagsusumikapan ng Police Station 1 na makakuha pa rin ng kopya ng CCTV footage sa loob ng Robinson’s Place Palawan.

Ito ay sa kabila ng pahayag ng mall management na sira ang ilan sa kanilang cctv camera partikular noong ika- 5 ng Agosto kaya hindi maibigay sa awtoridad ang hinihinging kopya.

Read More:  Veteran broadcaster found dead inside parked car in Cebu City  

Ayon kay PMAJ. ALTA XERXES CABILLAGE, nais nilang magkaroon ng “full-access sa monitoring area ng mall para suriin ang bawat anggulo na makakatulong sa imbestigasyon sa kaso ni Jovelyn Galleno.

Read More:  ₱8.8M cigarettes without Graphic Health Warning seized, 3 Arrested

Mababatid na ipinasilip lamang ng mall management ang footage sa awtoridad nitong Miyerkules subalit hindi sila binigyan ng kopya nito.