PNP Bicol nagsagawa ng inspection sa itatalagang RJSCC at REMAC sa darating na halalan 2022

LEGAZPI CITY – Nagsagawa ng inspection ang Philippine National Police (PNP) Bicol sa itatalagang Regional Joint Security Control System (RJSCC) at Regional Election, Monitoring, Action Center (REMAC) sa PRO5 Multi-purpose Bldg, Camp BGen Simeon A Ola sa lungsod ng Legazpi.

Pinangunahan ni PBGen. Jonnel Estomo, ang Regional Director ng Pnp Bicol ang pag-iinspeksyon sa nasabing lugar.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Ayon sa Pnp ito ay ang magsisilbing control room kung saan tututukan ang bawat pangyayari sa buong rehiyon na may kinalaman sa nalalapit na eleksyon sa Mayo 9, 2022.

Read More:  Live bullet and bullying note found inside Bacolod university

Ang paghahandang ito ay isang paraan upang matiyak ang isang maayos, tahimik at matapat na pagboto para sa mga Bikolano.

Ang KASUROG cops ay kakampi at kaisa ng komunidad upang gawing daan tungo sa pagbabago at pag-unlad ang halalan ngayong taon.