LEGAZPI CITY – Unti- unti na rin nakakabalik o nakakapagbukas ng turismo sa Bicol Region dahil sa nabigyan ng pagkakataon na niluwagan ang mga restrictions at protocols sa bansa.
Ayon kay Regional Director Herbie Aguas ng Department of Tourism (DOT) Bicol, nasa 96% na rin ang nababakunahan na tourism workers sa nasabing Rehiyon, kumpara sa pagdating nito ay halos nasa 26% pa rin na bakunado ng nasabing workers.
Ito rin kasi ang kanyang kampanya na bakunahan dapat ang mga workers.
Target din ng mga ito na mabakunahan ang tourism workers sa buong Bicol Region.
Paliwanag din nito, kailangan mabakunahan na rin ang mga tourism workers ay para mabigyan ng proteksyon laban sa nakakahawa at nakakamatay na sakit na covid 19.
Umaasa ang opisyal, na sana’y mabakunahan ang lahat na tourism workers bago magtapos ang 1st Quarter at mabakunahan na rin ng booster shot ang mga ito.