Pinsala sa sektor ng agrikultura dahil sa bagyo at habagat, sumampa na sa mahigit P1B – NDRRMC

Sumampa na sa mahigit P1B piso ang pinsalang iniwan ng nagdaang bagyo at habagat sa sektor ng agrikultura sa bansa.

Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), halos 38 thousand na mga magsasaka at mangingisda ang naapektuhan.

Read More:  TDC highlights education system issues following death of grade 4 student in Cavite

Umaabot na ng 40,848 hectares na mga pananim ang napinsala.

Karamihan dito ay mga pananim na palay at mais.

Mayroon din mga napinsalang kagamitan sa pangingisda.

Pinakamalaking naapektuhan ang Central Luzon sinundan ng MIMAROPA, Region 1 o Ilocos Region, Region 5 o Bicol Region, Region 6 o Western Visayas,CALABARZON, at CAR.

Read More:  Tarriela condemns Chinese media’s ‘monkey’ video allegedly depicting the Philippines

Samantala, iniulat din ng NDRRMC na halos P4.1B ang iniwang pinsala ng bagyo at habagat sa imprastraktura.

Nagpapatuloy ang isinasagawang assessment ngayon ng mga awtortidad sa iniwang pinsala ng sama ng panahon.