Pinoy boxer na si Suganob, napanatili ang WBO Global title

Matagumpay na naidepensa ni Regie “Filipino Phenom” Suganob ang kanyang World Boxing Organization (WBO) Global light flyweight title laban kay Japanese Kai Ishizawa.

Napagbagsak ng Pinoy boxer ang kanyang kalaban sa pamamagitan ng eight-round technical knockout (TKO) sa main event ng “Kumong Bol-Anon XV.”

Read More:  Spain beats Argentina to win 2026 FIFA World Cup title

Sa kabila ng matinding sugat sa kanyang noo dahil sa aksidenteng headbutt sa unang round, pinabilib ni Suganob ang kanyang mga kapwa Boholano.

Read More:  Spain beats Argentina to win 2026 FIFA World Cup title

Dahil sa tindi ng mga suntok na natanggap ng kalaban ni Suganob, dinala si Ishizawa sa isang stretcher para sa karagdagang medikal na atensyon.

Samantala, pinabuti nito ang record ni Suganob na may 15 wins, limang knockouts, at isang loss.