Claudine Barretto at Yasser Marta, nagkaka-develop-an na!

Diretsahang inamin ng baguhang aktor na si Yasser Marta (27 yrs old) na mayroon siyang pag tingin sa kanyang naging co-star at rumored girlfriend na si Claudine Barretto (44 yrs old).

Nang tanungin kasi si Yasser ng host ng kung ire-rate from 1 to 10 ang level ng closeness at intimacy nila ni Claudine, sinabi agad nitong 10 dahil naging close talaga sila matapos bumida sa isang teleserye.

Saad pa nito, “I’m going to be honest. Naging totoo ako, gusto ko rin naman talaga si Claudine.”

Normal naman aniyang may magkagusto sa aktres dahil bukod sa mabait ay napakalambing nito at mabuti ang puso.

Wala rin naman dawng masama kung magkadevelop-an ang dalawa dahil parheo naman silang single.

Maalalang ilang beses nang namataan ang dalawa nang magkasama sa labas ng trabaho, na kahit mismo anak ni Claudine ay close na ni Yasser.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *