Isang village sa Thailand, gumawa ng ritwal upang sugpuin ang tagtuyot sa bansa

Habang ang milyun-milyon taon sa buong Southeast Asia ay dumaranas ng matinding init na pananhon, isinagawa ng isang village sa Thailand ang kakaibang paraan para humiling ng ulan.

Sa gitnang lalawigan ng Nakhon Sawan, inialay ng mga residente ang Japanese manga character na si Doraemon upang sugpuin ang tagtuyot sa bansa.

Habang nakakulong ang stuffed toy na si Doraemon sa isang haula, ipinarada ito sa buong village, kasama ng mga residenteng nakabihis ng makikinang na damit.

Napagalaman na isa itong old dry season ritual na binansagang “”Hae Nang Meaw,” kung saan kailangan nilang iparada ang isang babaeng pusa.

Ngunit ang karamihan sa mga residente sa Thailand ay hindi na gumagamit ng totoong pusa dahil mga stuffed animals na lang ang kanilang inaaalay sa ritual, tulad nila Doraemon at Hello Kitty.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *