Pinakamalaking COVID-19 referral hospital sa Zamboanga del Sur, naubusan ng COVID-19 beds

Naubusan na ng mga kama para sa COVID-19 patients ang ilan sa malalaking ospital ng Zamboanga del Sur sa gitna ng paglobo ng mga kaso sa probinsya.

Ayon sa Zamboanga del Sur Medical Center, na pangunahing COVID-19 referral hospital ng probinsya, noong nakaraang buwan pa sila naubusan ng COVID-19 beds.

Pero sinabi ng pagamutan na patuloy silang tumanggap ng mga pasyente sa mga tents at sa mga sasakyan na nakaparada sa hospital grounds hanggang noong Sabado, nang maglabas sila ng abiso na hindi na nila kayang i-accomodate ang mga bagong pasyente sa nasabing lugar.

Read More:  Sotto questions legality of flood control subcommittee

Pinayuhan naman ni Dr. Anatalio Cagampang Jr., ZDSMC chief, ang publiko na tumawag muna bago dalhin sa ospital ang kanilang mga pasyente.

Read More:  Ex-DBM chief Pangandaman charged over PhilHealth fund transfer

Mababatid na nasa 100 lamang ang alokasyon sa kama ng ZDSMC para sa mga COVID-19 patients, ngunit kahapon, ay umabot na ang bilang ng mga na-admit na pasyente sa 185.

Matatandaan na naiulat ng Zamboanga del Sur COVID-19 Tassk Force ang 223 na bagong kaso ng COVID-19 sa probinsya noong Sabado, na dahilan para umangat ang kabuoang bilang ng mga aktibong kaso sa probinsya sa 1,787.