P10-billion pork, isiningit umano sa 2020 budget

Isiniwalat ng ilang mambabatas mula sa oposisyon na meron bagong variant ng ilegal na pork barrel ang isiningit sa proposed P5-trillion budget ng gobyerno para sa 2022 na maaring magamit sa eleksyon sa susunod na taon.

Ayon kay Gabriela party-list Representative Arlene Brosas, tinatayang nasa P10-billion ang inilaan para sa item na kung tawagin ay Growth Equity Fund (GEF) sa ilalim ng Local Government Support Fund.

Read More:  NBI may invite Padilla over Dela Rosa’s whereabouts

Sinabi ng kongresista na pasok ito sa judicial definition ng pork barrel na idineklara ng Korte Suprema na ilegal.

Ipinunto ni Brosas na inilagay ang P10-billion GEF sa ilalim ng executive department para magamit sa mga hindi tinukoy na lokal na pamahalaan para sa mga unidentified projects.

Read More:  Bato’s wife appeals against possible Hague transfer

Batay sa ruling ng Korte Suprema na isinulat ni Associate Justice Estela Perlas-Bernabe,  maituturing na pork barrel ang isang appropriation ng gobyerno kung gagastusin ito sa localized projects at kung sine-secure ito para sa distrito ng isang representative.

Lahat ng mga miyembro ng kataas-taasang hukuman ay pumabor sa pusisyon ni Bernabe maliban kay dating Associate Justice Presbitero Velasco Jr., na ama ni incumbent Speaker Lord Allan Velasco.