23 barangay sa isang bayan sa Ilocos Sur, isinailalim sa “extreme” ECQ

Isinailalim sa “extreme” enhanced community quarantine (EECQ) ang 23 mula sa 33 barangay sa bayan ng Cabugao sa Ilocos Sur sa loob ng dalawang linggo simula kahapon (September 5) sa gitna ng pagsipa sa bilang ng COVID-19 cases sa lugar.

Ayon kay Cabugao Mayor Edgardo Cobangbang Jr., nakakaalarma na ang pagtaas ng bilang ng mga tao na infected ng virus sa naturang bayan.

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Sinabi ng alkalde na kinailangan nila ipatupad ang pinakaistriktong klasipikasyon ng quarantine, lalo na at nakumpirma ang presensya ng Delta at Alpha variants sa kanilang bayan.

Dahil diyan ay malilimitahan lamang sa emergency at medical purposes ang galaw ng mga residente sa mga barangay, at papayagan lamang sila lumabas para bumili ng essential goods.

Read More:  Marcos rejects claim flood control cases target Senate majority

Hindi rin papayagan ang lahat ng uri ng mass gatherings habang ipinatutupad ang 8 p.m. – 5 a.m. curfew at total liquor ban sa Cabugao.

Samantala, sinabi ng alkalde na mananatiling nasa modified ECQ ang natitirang 10 barangay sa kanilang bayan.