Pimentel, sinabihan ang mga miyembro ng PDP-Laban na huwag pansinin ang July 17 assembly na inorganisa ni Cusi

Sinabihan ni Senador Aquilino “Koko” Pimentel III sa mga miyembro ng PDP-Laban na huwag pansinin ang July 17 national assemble na inorganisa ni Energy Secretary Alfonso Cusi.

Sinabi ni Pimentel, na nagsisilbi bilang executive vice chairman at dating president ng ruling political party, na hindi nila kinikilala ang nasabing pagtitipon.

Read More:  NIA says it is prepared for El Niño impacts

Itinakda ni Cusi, vice-chair ng PDP-Laban at ng mga kaalyado nito sa partido ang paparating na pagtitipon noong Mayo sa Cebu kung saan ay ipinasa ang isang resolusyon na humihimok kay Pangulong Rodrigo Duterte, na chairman ng kanilang partido, na tumakbo sa pagka-Bise Presidente sa susunod na taon.

Matatandaan na na-expell si Cusi at ang iba pang opisyal ng PDP Laban mula sa partido dahil umano sa kanilang paglabag sa mga patakaran na nagbabawal sa kanila na suportahan ang kandidatura ng mga politiko na nasa labas ng kanilang partido.

Read More:  NBI subpoenas four in alleged Bato escape probe

Mababatid na gusto kasi ng mga natanggal na miyembro ng PDP-Laban na makatambal ng Pangulo sa 2022 elections ang anak nito na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.