Pilipinong na-hostage ng Hamas na si Pacheco, tumanggap ng tulong mula sa Kamara

Pinangunahan ni House Speaker Martin Romualdez ang paghahatid ng 630,000 pesos na halaga ng assistance package sa Pilipinong caregiver na si Jimmy Pacheco na binihag ng grupong Hamas.

Kahalating milyong piso ang nagmula sa Office of the Speaker na personal na tinanggap ni Pacheco at ng kanyang pamilya.

Read More:  DOLE Region III director suspended following Pampanga building collapse

Nabigyan din si Pacheco at ang kanyang maybahay ng tig-sampung libong piso mula sa Assistance to Individuals in Crisis Situations o AICS program ng DSWD.

Tig-limanlibong pisong halaga ng educational assistance naman ang iniabot sa tatlong anak ng Pinoy caregiver.

Bukod dito, nabiyayaan ang pamilya ng 95,000 pesos na livelihood assistance mula sa TUPAD program at Sustainable Livelihood Program.

Read More:  New DOLE Chief Tolentino vows stronger labor safety enforcement

Sinabi ni Romualdez na hindi matutumbasan ng assistance package ang hirap na pinagdaanan ni Pacheco sa kamay ng Hamas sa Gaza sa aspetong pisikal at psychological.

Ngunit umaasa ang House leader na kahit paano ay maramdaman ng pamilya ni Pacheco na laging nakasuporta ang gobyerno sa panahon ng pangangailangan.