All-set na ang Armed Forces of the Philippines sa pagdalo ng kanilang Commander in Chief, ang Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa pagdiriwang ng kanilang ika-88 anibersaryo ngayong araw.
Ang AFP@88: ay may temang Rising over the Challenges in Service to the Nation.
Bago ang pormal na palatuntunan at parada mamayang hapon sa Camp Aguinaldo kung saan panauhing pandangal ang Pangulo, nagkaroon na ng Simultaneous Interfaith Prayer Service at Thanksgiving Mass kaninang umaga
Susundan ito ng simultaneous flag-raising ceremony at awarding ceremony para sa mga natatanging stakeholder at partner ng militar na binansagang “Pagkakaisa Award”.
Sa programa sa Lapu-Lapu Grandstand sa Camp Aguinaldo mamayang alas-4 ng hapon, magsasagawa ng parada ang division-size dismounted at mounted contingents, kung saan itatanghal ang mga bagong kagamitan ng AFP.
Ito ay bubuksan sa pamamagitan ng high-speed pass ng dalawang F-50 Fighter jets ng Phil. Air Force.