Pilipinas – pasok sa ‘worst countries for workers’ sa ika-8 pagkakataon

Matapos ang walong sunod-sunod na taon, pasok na naman ang Pilipinas sa Top 10 list ng worst countries para sa mga workers.

Batay ito sa Brussels-based International Trade Union Confederation (ITUC), kung saan binigyang-diin din ang tungkol sa red-tagging at pagpatay sa mga Filipino labor unionists.

Sa 2024 Global Rights Index, binigyan ng ITUC ang Pilipinas ng score na 5 na nangangahulugan ng “No Guarantee of Rights.”

Ang mga bansang nakakuha ng score na 5 gaya ng Pilipinas ay mga ‘worst countries in the world to work in.’

Maliban sa Pilipinas, pasok din sa Top 10 worst countries for workers para sa taong 2024 ang Bangladesh, Belarus, Ecuador, Egypt, Eswatini, Guatemala, Myanmar, Tunisia, at Turkiye.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *