Dahil sa pag-‘Edi Wow!’ – paglalaro ng Mobile Legends, nauwi sa suntukan!

Nagsuntukan ang dalawang mga kalalakihan dahil sa maling interpretasyon ng dumadaang lasing habang naglalaro ng Mobile Legend ang nagreklamo sa Bliss Site, Kalibo, Aklan.

Sa report, inireklamo sa Kalibo MPS ang lasing na 29 anyos na lalaki matapos suntukin ang 42 anyos na lalaki habang naglalaro ng Mobile Legends sabay sabing “E DI WOW” na ikinagalit naman ng dumadaang lasing.

Nagkaroon ng mainitang pagtatalo at suntukan ang dalawa kayat nagtamo ng pinsala sa katawan ang nagreklamo na agad namang nirespondehan ng Kalibo MPS. (with reports from MARIVIC ILIN – 89.3 BNFM KALIBO)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *