Drug den sa Naga City sinalakay ng PDEA; 5 arestado

CAMARINES SUR – Timbog ang lima kabilang ang isang babae sa isinagawang pag dismantle ng isang Drug den sa Barangay Concepcion Pequeña Naga City sa pangunguna ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency Naga at Camarines Sur katuwang ang iba pang pwersa ng awtoridad nitong Hunyo 13, 2024.

Ayon kay Agent RED ng PDEA NAGA malawak ang naaabot ng naturang drug den, na batay sa kanilang pagmonitor galing sa labas ng lungsod at mga kalapit bayan sa Camarines Sur ang nagtutungo sa residensya upang bumili ng pinagbabawal na gamot na nagiging one stop shop na ang lugar pagkatapos dito rin gumagamit ang mga parokyano o nag iiskor.

Dagdag pa nito na ang lahat ng kanilang operasyon kontra illegal na droga at coordinated sa mga stasyon ng pulis na nakakasakop sa lugar at nagkakaroon sila ng masusing pag surveillance at validation upang mahuli ang mga sangkot sa illegal drugs

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *