Bulkang Kanlaon – nakapagtala muli ng 3K tonnes ng Sulfur Dioxide

Nakapagtala muli ang PHIVOLCS na ang Bulkang Kanlaon ay naglabas ng kabuuang 3,244 toneladang sulfur dioxide.

Naglabas rin ito ng 17 volcanic earthquakes at tatlong ashing events sa bulkan.

Read More:  PAGASA warns heat index could exceed 52°C in parts of the Philippines

Ayon sa PHIVOLCS, nag-uumapaw ang isang “voluminous” na plume na may taas na 500 metro.

Kaugnay nito, ang bulkan ay nananatiling inflated, at ang volcanic ash ay patuloy na lumalabas mula sa summit crater.

Read More:  Marcos names Rodil Zalameda as new Supreme Court chief justice

Nananatili naman sa Alert Level 2 ang Kanlaon Volcano dahil sa “pagtaas ng unrest” matapos ang mapanganib na pagsabog nito.

Sa ngayon, ipinagbabawal pa rin sa publiko ang pagpasok sa 4km permanent danger zone sa naturang bulkan.