CAMARINES NORTE- Binuksan na simula noong Miyerkules, Pebrero 1, ang serbisyo ng Department of Social Welfare and Development Office (DSWD) sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS).
Sa ikatlong araw ng muling pagbubukas ng AICS kapansin- pansin na maayos ang pila sa DSWD Provincial Field Office ng Camarines Norte at komportable ang mga kliyente habang naghihintay na ma proseso ang kanilang request para sa medical at burial assistance.
Noon kasing mga nagdaang buwan ay karaniwang nang eksena ang mahabang pila kahit madaling araw pa lang.
Mayroon ngang natutulog na sa labas ng opisina ng DSWD mauna lang sa pila.
May mga pagkakataon din noon na may mga nagagalit, naluluha at umiiyak dahil kahit pumila na ng mahaba ay hindi ma- accommodate ang request dahil sa kakulangan ng requirements.
Pero sa muling pagbubukas ng AICS ngayong taon mas maayos na ang pila dahil mayroon na ring satellite office sa bayan ng Labo na matatagpuan sa Convention center.
Dito na pumupunta ang lahat ng mga taga unang Distrito habang sa Provincial Office naman sa Daet sineserbisyuhan ang mga taga ikalawang distrito.
Nag abiso naman ang ahensiya na hindi pa tumatanggap ngayon ng application para sa educational assistance.
Ang tinatanggap sa ngayon at kasalukuyang pinoproseso ay ang mga request para sa medical at funeral assistance
Magpapalabas na lang daw ng anunsiyo ang opisina kapag mayroon nang schedule para sa educational assistance ngayong 2023.
