Referral ng mga pasyente ng SCPH sa mga private hospitals, pinag-aaralan na

KORONADAL CITY- SA layuning madecongest ang South Cotabato Provincial Hospital (SCPH), inaayos na ng provincial government ang polisiya sa referral ng mga pasyente sa mga pribadong ospital.

Ayon kay South Cotabato Vice Governor Arthur Pingoy Jr na isa sa prayoridad ng SP ang pagpapatibay sa free hospitalization program o Lingap Buhay ni Governor Reynaldo Tamayo Jr.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Sa ilalaim ng naturang programa, ang mga indigent na mga pasyente sa SCPH na may Urinary Tract Infection o UTI, Community Pneumonia at Acute Gastroenteritis ay irerefer sa mga private hospitals.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Ito ayon kay Pingoy ay kanila pang pinag-aaralang mabuti kung paano masisiguro ang zero billing sa mga pasyente.

Oobserbahan ng tatlong buwan ang programa at kung magtatagumpay, ito ay ipagpapatuloy at palalawakin, ngunit kung hindi, ito ay ipahihinto.