Barangay tanod, patay sa pamamaril sa Batangas City

Dead on arrival ang isang barangay tanod matapos na barilin sa ulo ng hindi pa nakikilalang suspek sa Purok 5, Brgy. Wawa, Batangas City, dakong alas 9 kagabi, Pebrero 1, 2023.

Kinilala ng Batangas City Police Station ang biktima na si Sorbeto Maglinte Quinto, 53 anyos, tubong San Narciso, Quezon at residente ng nabanggit na barangay.

Read More:  Grade 9 student found with suspected ₱204K shabu in Bacolod school

Ayon sa imbestigasyon, papasok na sa kanilang bahay ang biktima nang bigla na lamang na sumulpot sa likod nito ang suspek na may dalang baril.

Agad nitong pinaputukan sa likurang bahagi ng ulo ang biktima gamit ang hindi pa nalamang uri ng armas.

Tumakas ang suspek habang dinala sa ospital ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival ng doktor.

Read More:  Six student interns injured after falling from hitchhiked truck in Bukidnon

Sinabi sa Brigada News FM Batangas ni PCpl. Jay-r Olave ng Batangas CPS Investigation Section, blangko pa sila sa posibleng motibo ng pamamaril.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad kasabay sa ginagawang pagtugis sa nakatakas na suspek.