Philippine Hawk Eagle at isang uri ng ahas pinakawalan ng DENR PENRO Camarines Norte sa kanilang natural habitat

CAMARINES NORTE- Pinakawalan ang isang Philippine Hawk Eagle (Nisaetus philippensis) at Paradise Flying Tree Snake (Chrysopelea paradasi) ng mga tauhan ng Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO) Camarines Norte sa kanya-kanyang natural habitat.

Natagpuan ang nasabing Philippine Hawk Eagle ng isang residente sa Barangay Alawihao, Daet Camarines Norte na basang-basa at nanginginig.

Ipinagbigay-alam agad ng residente sa PENRO at nang makitang maayos naman ang kondisyon ng ibon ay agad ding pinakawalan.

Sa text message sa Brigada News FM Daet ni OIC PENRO Officer Marlon Francia inihayag nito na nasa dalawang talampakan ang wing span ng agila na may taas na isang talampakan.

Read More:  Aklan SB member’s home attacked in midnight shooting

Sa bayan naman ng Mercedes ay isang residente mula sa Barangay Del Rosario, ang nagkusang loob na i- turn over sa DENR ang Paradise Flying Tree Snake.

Ayon kay Francia may habang  isang metro ang naturang ahas na nasa maayos ding kondisyon kaya pinakawalan na ito.

Read More:  ₱5.3M suspected substandard laptops seized in Cebu City

Sa ilalim ng DENR Administrative Order (DAO) No. 2019-09 na may titulong “Updated National List of Threatened Philippine Fauna and their Catergories”, ang Philippine Hawk Eagle ay isa na sa mga nanganganib na uri ng hayop, habang ang Paradise Flying Tree Snake naman ay nasa kategorya ng “other wildlife species.”

Patuloy na nanawagan ang DENR sa publiko na kapag may ganitong mga insidente ay agad na ipagbigay alam at iturnover ang ano mang klase ng wildlife upang ang mga ito ay maibalik sa kanilang natural habitat.