Mga bar examinees sa Naga City sumailalim sa antigen testing

NAGA CITY –  Sumailalim sa antigen testing ang lahat ng mga Bar examinees sa Naga City.

Ito ang kinumpirma sa ni Pj Barrosa, head ng Person’s With Disability Office ng lungsod na daraan rin sa nasabing pagsusulit.

Layunin nito na matiyak na walang isa man sa kanila ang may sakit o may virus sa oras ng eksaminasyon na gagawin na mula bukas, Pebrero 4.

Read More:  2 former NPA members surrender in Eastern Samar, Negros

Ayon kay Barrosa, ang prosesong ito ay bilang pagsunod nila sa ipinatutupad na health protocol sa COVID-19.

Nabanggit pa niya na may mga examinees na una ng nagka COVID subalit naka recover na rin matapos na mag quarantine dalawang lingo. Ang mga ito ay hindi na isinama  sa pag test subalit kailangan lamang ang kaukulang mga dokumento na sila ay nag quarantine at tuluyan ng gumaling.

Read More:  He could have built software. Instead, he joined a revolution

Paliwanag pa niya na ang sistemang ito ay ginawa sa lahat ng mga bar examinees kabilang na doon sa may bahagi ng Metro Manila at sa Quezon City .

Mahigit 400 mula sa iba’t-ibang bahagi ng Bicol Region ang mag eexam bukas sa University of Nueva Caceres.