Agarang nirespondehan ng BRP Ramon Alcaraz ng Naval Forces West ng Philippine Navy ang mga mangingisdang Vietnamese na sakay ng lumubog na fishing vessel sa bahagi ng Quirino(Jackson) Atoll, na isang traditional fishing ground ng mga filipino fisherman sa West Philippine Sea.
Mabilis na rumesponde sa insidente ang PS16 matapos matanggap ang impormasyon mula sa mga elemento ng Intelligence, Surveillance, and Reconnaissance o ISR.
Subalit ani PS16 Commanding Officer, LCdr. Christofer Neil Calvo, wala nang sakay ang sunken Vietnamese fishing vessel na Bow Nr. Q. Ng 96554 TS nang kanila itong matagpuan.
Posible ani Calvo na naisalba na ng isa pang Vietnamese fishing vessel na kanilang namataan sa layong 4.6 nautical miles ang mga sakay ng lumubog na barkong pangisda mula vietnam.
Ayon sa Phil. Navy, patunay ang agarang pagresponde ng kanilang tropa sa matatag at magandang relasyon ng Pilipinas at Vietnam.