Dugong sa Naga dakip sa pagbebenta umano ng illegal na droga

NAGA CITY – Hindi na nakatakas pa sa mga tauhan ng pinag isang pwersa kan kapulisan sa pangunguna ng Naga City Police Office Station 5 ang isang lalaking sangkot umano sa pagbebenta ng ipinagbabawal na droga matapos ang ikinasang Anti-Illegal Drug Buy-bust Operation sa Barangay Triangulo 8:53 nitong Hulyo 31 2024.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Kinilala ang naaresto na si alias “Dugong” 22 taong gulang at residente ng naturang lugar, kung saan nakabiling operatibang nagpanggap bilang poseur buyer sa halagang 500 piso, nang magkaabutan dito na isinagawa ang pag arresto, nakuha pa sa posisyon nito ang 5 piraso ng plastic nilalaman ang pinaniwalaang shabu.

Read More:  Two die after minivan crashes into house in Cebu

Ang mga nakuhang ebidensya at ang suspek nasa kustodiya ngayon ng pulisya at mahaharap ito sa kasong paglabag sa RA 9165 o Dangerous Drugs Act of 2002.