PH, nakapagtala ng 16,361 bagong COVID-19 cases; total tally umabot na sa 2,401,916

Nakapagtala ng 16,361 bagong kaso ng COVID-19 ang Pilipinas dahilan upang pumalo na sa 2,401,916 ang kabuuang kaso nito ngayong araw.

Ayon sa Department of Health (DOH), dahil sa mga bagong kasong naitala, umabot na sa 171,142 ang aktibong kaso sa bansa.

Read More:  Romualdez ready to face Ombudsman complaint, says he will answer allegations

Sa bilang na ito, 92.4% ang mild, 2.8% ang asymptomatic, 1.4% ang severe, at 0.6% ang nasa kritikal na kondisyon.

Read More:  Marcoleta pleads not guilty in plunder case

Tumaas naman ang bilang ng recoveries sa 2,193,700 matapos gumaling ang 21,974 pang pasyente.

Samantala, nasa 37,074 naman ang kabuuang bilang ng nasawi dahil sa virus matapos na makapagtala ng 140 na bagong fatalities.