COVID-19 booster shots, di pa kailangan ng mayorya ng populasyon — OCTA

Hindi pa umano kailangan ng karamihan sa populasyon ng Pilipinas ang pagpapabakuna ng booster shots kontra COVID-19.

Ayon kay OCTA Research fellow at molecular biologist-priest Nicanor Austriaco, ito ay dahil nananatili pa ring epektibo ang virus upang makaiwas sa mga malalang impeksyon, pagkaka-ospital, o di kaya’y kamatayan.

Read More:  Abalos backs DFA’s condemnation of China’s ‘monkey’ video

Lumalabas umano sa datos ng ginawa nilang pag-aaral na nasa 86.5 percent pa ang pagiging epektibo ng mga bakuna laban sa severe COVID-19, habang 97.5 percent naman sa laban sa kamatayan.

Read More:  AFP rejects China Coast Guard claims on Ayungin Shoal incident

Dagdag ni Austriaco, pinag-aaralan pa nila ang efficacy ng mga bakuna sa mga health workers na siyang laging naka-expose sa mga infected na indibidwal.