PH, nagtala ng bagong pinakamababang single-day COVID cases ngayong taon sa 1,019

Nagtala ang Department of Health (DOH) ng 1,019 na mga bagong kaso ng COVID-19, na pang-apat na sunod na araw na, kung saan ang daily tally ay mababa simula nang pagsisimula ng taong ito.

Sa gitna nito, nilinaw ng DOH na hindi kasama sa bilang ang datos mula sa limang testing laboratories, na may 1.5% ng mga samples na tenest, at 0.7% ng positive results sa nakalipas na 14 na araw.

Sa ngayon, sumipa pa ang kabuoang bilang ng infections sa 3,654,284, kung saan 56,668 o 1.6% ang active cases.

Samantala, may 13 bagong fatalities naman na kumpirmado, dahilan para tumaas ang death toll sa 55,776, habang may 2,988 pang bagong survivors, dahilan para umakyat ang recovery count sa 3,541,840.