Hinimok ng Department of Interior and Local Government ang mga otoridad na ikonsidera sa posibleng pagshift sa Alert Level 1 ang local campaign season na magsisimula sa susunod na buwan.
Ayon DILG Undersecretary Jonathan Malaya, madodoble ang hamon sa mga otoridad para ipatupad ang minimum public health standards, sa oras na magsimula na ang kampanya ng mga lokal na kandidato sa March 25.
Sinabi ni Malaya na ipinaabot ng mga alkalde sa DILG na handa na sila na magluwag sa Alert Level 1, kung ito ang magiging desisyon ng Inter-Agency Task Force.

Samantala, inihayag rin ni OCTA Research fellow Guido David na handa na ang Metro Manila para sa new normal sa susunod na buwan, batay sa magandang testing positivity rate, healthcare utilization rate, at ICU bed usage. //MHEL PACIA-TRINIDAD