DOH- 12-15% lang ng mga COVID patients sa mga ospitals ang severe, critical

Inihayag ng Department of Health (DOH) na tanging 12 hanggang 15 percent lang ng mga COVID-19 patients na naka-admit sa mga ospital ang may severe at critical cases ng coronavirus infection.

Sa datos ng DOH, mula February 20 lumalabas na mula sa 10,459 pasyente sa ospital, 1,151 o 11.35 percent ang severe, habang 450 o 4.84 percent ang critical cases.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, 1,724 o 16.24 percent ng hospitalized patients ang asymptomatic, 3,253 o 31.28 percent ang mild, at 3,881 o 36.29 percent ang moderate cases.

Dagdag ni Vergeire, ang pagbaba sa bilang ng severe at critical cases ay patunay na ang COVID-19 vaccines ay epektibo sa pagpigil sa progression ng sakit.

Sinabi rin nito na sa SARS-CoV-2 variants of concerns, ang Omicron variant ang may pinakamataas na bilang ng single-day increases sa mga bagong kaso, pero may mababang proportion rin ng severe at critical cases. //MHEL PACIA-TRINIDAD