PH, nagtala ng 564 new COVID-19 cases; Active tally na 15K pa

Nagtala ang Department of Health ng 564 na mga bagong kaso ng COVID-19, dahilan para sumipa pa ang total tally sa 2,833,473.

Ayon sa DOH, 1.7% lang mula sa 34,918 individuals na tenest ang nagpositibo para sa COVID-19 noong November 30.

Ito na ang pang ika-siyam na sunod na araw na nagtala ang bansa ng hindi lalampas sa 1,000 ang mga bagong kaso.

Dahil naman sa mga bagong kaso, ang active case count ay nasa 15,188 pa kung saan 715 ang asymptomatic, 7,126 ang mild, 2,463 ang severe, at 1,067 ang nasa kritikal kondisyon.

Sa gitna nito, tumaas ang total recoveries sa 2,769,533, matapos gumaling ang 694 pang pasyente mua sa viral disease, habang dumami pa ang death toll sa 48,752, dahil sa 40 bagong fatalities. //MHEL PACIA-TRINIDAD