Inihayag ng Department of Education (DepEd) na walang mga kaso ng COVID-19 na naitala sa unang linggo ng pagpapatupad sa pilot face-to-face classes.
Dahil dito, pinuri ni Education Secretary Leonor Briones ang tremendous efforts na ibinigay ng kanilang mga stakeholders para sa matagumpay at ligtas na limited face-to-face classes.
Giit ni Briones, ang tulong ng bawat isa ay mahalaga para sa expansion ng implementation.
Sinabi ng DepEd, na mayroong 4,537 learners sa Kinder hanggang Grade 3 at Grade 11 hanggang 12 ang dumalo sa unang linggo ng pilot run, batay sa partial result ng weekly school reporting as of November 24.

Samantala, inihayag ni Assistant Secretary for the National Academy of Sports and Field Operations Malcolm Garma, na maari pa namang magbago ang naturang bilang sa mga susunod na araw, sa gitna ng patuloy na pagvalidate ng kanilang departamento sa mga datos mula sa kanilang Learner Information System and Plantilla Items para sa mga paaralang dumalo sa pilot face-to-face classes.