Gadon, may bagong disbarment case re: HIV remarks vs PNoy

Nahaharap sa panibagong disbarment complaint sa Supreme Court ang kontrobersiyal na abogadong si Larry Gadon, ilang buwan matapos nitong ihayag na pumanaw si dating Pangulong Noynoy Aquino dahil sa human immunodeficiency virus o HIV, ang virus na nagdudulot ng AIDS.

Ayon sa mga complainants, na persons living with HIV, na dapat makatanggap si Gadon ng most severe form ng disciplinary action, sa gitna na patuloy nitong binabahiran ang noble practice ng batas sa pamamagitan ng kanyang salita at gawi.

Read More:  NBI files ethics complaint against Kiko Barzaga

Inilahad ng mga ito ang “gross misconduct” ng naturang abogado, partikular na ang kanyang tahasang paglabag sa ilang probisyon sa ilalim ng Code of Professional Responsibility (CPR) — o ang code of ethics para sa mga nasa legal practice — at ng Lawyer’s Oath.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Maliban dito, hiniling rin ng mga respondents ang libel charges at iba pang “reliefs just and equitable” laban kay Gadon.// MHEL PACIA-TRINIDAD