Ph, ipapanatili ang 3-week interval sa COVID vax para sa mga bata

Patuloy na ipapatupad ang 21 day interval sa pagitan ng first at second doses ng reformulated Pfizer vaccine para sa mga batang may edad lima hanggang 11-taong gulang, sa kabila ng bagong datos mula sa World Health Organization na nagsasabing ang second dose ay dapat ibigay ng apat hanggang walong linggo, matapos ang una.

Read More:  LTFRB reviewing measures amid looming fuel price increase

Ayon sa WHO, ang mahabang interval sa pagitan ng mga doses ay may kinalaman sa mataas na effectiveness ng bakuna at potensyal na pagpapababa sa risk ng myocarditis o pericarditis.

Read More:  DSWD extends aid to family of slain motorcycle taxi rider in Caloocan

Sa kabila nito, susundin parin ang status quo hanggang sa mareview ang naturang pag-aaral ng Vaccine Expert Panel.

Sinabi naman ni Dr. Nina Gloriani, Chairman ng Vaccine Expert Panel, na susundin ng Pilipinas ang mas maiksing interval sa pagitan ng doses para mabalanse ang epekto ng omicron. //MHEL PACIA-TRINIDAD