Pfizer vax, kayang protektahan ang mga bata vs multi-system inflammatory syndrome

Iginiit ng mga eksperto na ang COVID-19 vaccination ay nagbabawas sa risk ng multi-system inflammatory syndrome (MIS-C) sa mga bata.

Batay sa Johns Hopkins Medicine, ang MIS-C ay “rare” pero mapanganib na komplikasyon ng viral disease, na nagdudulot ng pamamaga sa buong katawan, kabilang na ang puso, blood vessels, at iba pang organs.

Read More:  Angel Locsin criticizes Padilla following his admission that he is a communist

Ang mga inisyal na sintomas ay kinabibilangan ng lagnat, rashes, pamumula ng mata, diarrhea, at pagsusuka.

Kaugnay nito, ang MIS-C ay nangyayari dalawa hanggang apat na linggo, matapos ang mild o asymptomatic infection.

Read More:  DSWD extends aid to family of slain motorcycle taxi rider in Caloocan

Sa kabila nito, may mababang tsansa naman na makuha ang naturang sakit, kung ang bata ay fully inoculated ng Pfizer vaccine, bago mahawa sa virus.

Sinabi naman ni vaccine experts panel chairperson Dr. Nina Gloriani, na siyang nagreview sa latest pediatric vaccination data, na ang dalawang doses ng Pfizer vaccine ay 91% na apektibo laban sa MIS-C. //MHEL PACIA-TRINIDAD