Comelec, planong tanggalin na ang face shield use sa campaign events

Plano ng Commission on Elections na luwagan ang kanilang mga panuntunan para sa in-person campaign gatherings, sa harap ng patuloy na pagbaba sa mga kaso ng COVID-19.

Ayon ay acting poll chairman Socorro Inting, may posibilidad para sa pagbaba sa Alert Level 1, kaya ire-review umano nila ang kanilang mga panuntunan sa kampanya na alinsunod sa alert level status.

Read More:  Marcos maintains trust in Dizon amid SEA Games probe

Dagdag ni Inting, ang kanilang mga panuntunan naman ang batay sa mga guidelines ng IATF, at batid rin umao nila ang reklamo ng ilang kandidato.

Read More:  Palace open to corruption probe with sufficient evidence

Sinabi naman ni Comelec spokesperson James Jimenez, na malabong tanggalin ang face masks, dahil nagkasundo naman umano ang lahat ng mga kandidato na ito ay nakakatulong para pigilan ang pagkalat ng virus, pero posible sa pagtanggal sa pagsusuot ng face shields.

Giit ni Jimenez, bukas ang kanilang mga pinto para sa recalibration ng naturang guidelines. //MHEL PACIA-TRINIDAD