Inanunsyo ng US drugmaker na Pfizer na pormal na nitong hiniling ang emergency use authorization para magamit ang COVID-19 vaccine nito sa mga bata na edad lima hanggang 11.
Inihayag ito ng Pfizer matapos mapaulat na dumarami ang bilang ng mga bata na nagpopositibo sa virus dahil sa Delta variant.
Ang inokulasyon sa kabataan ang nakikita ngayon ng US para mapanatiling bukas ang mga paaralan, at upang mawakasan na ang pandemya.

Mababatid na nakatanggap ang mga bata mula sa five to 11 age group ng two-dose regimen ng 10 micrograms sa trial kumpara sa 30 micrograms na ibinibigay sa mga may mas edad na age groups.
Ibinigay ang shots na may 21 araw ang pagitan.