Pagbabalik sa pre-pandemic economy, hindi pa posible sa gitna ng lockdowns ayon sa Palasyo

Hindi pa nakikita ng Malacañang ang posibilidad na maibalik ang pre-pandemic economy ng bansa sa gitna ng ipinatutupad na lockdowns sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Sinabi ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque matapos bumagsak ang Pilipinas sa pinakahuling pwesto ng COVID-19 Recovery Index ng Nikkei Asia.

Read More:  Former Sen. Tolentino appointed as acting DOLE secretary

Sa nasabing listahan ay sinuri ang infection management, vaccine rollouts at social mobility ng 120 bansa sa buong mundo.

Nauwi rin sa pinakahuling pwesto ang Pilipinas sa COVID-19 resilience rankings ng Bloomber para sa Setyembre kung saan ay sinabi ng international site na ang Pilipinas ay ang “worst place to be” sa gitna ng pandemya.

Read More:  VP Sara Duterte camp vows full cooperation in Senate impeachment trial

Inihayag naman ni Roque na mga financial newspapers ang Bloomberg at Nikkei kung kaya’t ang tinitingnan nito ay ang lagay ng ekonomiya na apektado ngayon ng lockdown.