Ilang senador, umapela na mapabilis ang COVID-19 vaccination para sa mga guro

Hiniling ni Senator Nancy Binay sa Department of Education na pabilisin ang COVID-19 vaccination para sa mga guro kasabay ng paghahanda ng ahensya para sa implementasyon ng in-person classes sa susunod na buwan.

Sinabi ng senador na hihilingin nila kay vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. na gawin nang available ang mga bakuna para sa mga guro.

Read More:  Acidre urges Senate to prioritize impeachment over flood control hearings

Ipinunto naman ni Education Secretary Leonor Briones na ilang ulit na nilang ipinaalala sa mga guro na magpaturok na sa tulong ng kanilang LGUs.

Read More:  Akbayan endorses Hontiveros for 2028 presidential bid

Base sa timeline ng DepEd ay isasagawa ang initial run ng pilot study mula November 15 – December 22 kung saan tanging mga fully vaccinated na guro at non-teaching personnel lamang ang papayagang magpartisipa.