Permit to campaign ng NPA sa midterm elections, hindi magiging isyu dahil sa humihina ng pwersa nito – Sec. Año

Naniniwala si National Security Adviser Sec. Eduardo Año na dahil sa humihinang pwersa ng New People’s Army ay hindi na magiging isyu para sa mga kandidato ang permit to campaign sa midterm elections sa susunod na taon.

Read More:  Ateneo Law Student Council expresses disappointment over Cayetano

Ayon kay Sec. Año, ” minimal” nalang ng presensiya ng NPA dahil sa pagkakabuwag ng lahat ng politico-military spectrum capabilities ng armadong sangay ng Communist Party of the Philippines.

Nauna nang iniulat ni Año na bumaba na sa 5 ang bilang ng mahihinang guerilla fronts sa bansa.

Read More:  Comelec targets reopening of voter registration in Feb 2027

Sa kabila ng huminang pwersa ng NPA, binigyang-diin naman ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict na kailangan pang magpatuloy ang kampanya ng pamahalaan upang tuluyang matapos ang dekada nang suliranin sa insurhensya.