Inabswelto na ng Sandiganbayan Seventh Division si dating Philippine National Police (PNP) chief Jesus Verzosa sa graft kaugnay ang maanomalayang pagbili ng second-hand helicopters ng PNP noong 2009.
Ipinag-utos ng anti-graft ang pagli-lift sa departure order laban kay Verzosa at sa iba pang na-acquit.
Samantala, napag-alamang guilty naman sa graft ‘beyond reasonable doubt’ sina:
P/Dir. Luizo Ticman;
P/Dir. Ronald Roderos;
P/Dir. Romeo Hilomen;
P/Dir. Leocadio Santiago Jr.;
at Hilaro de Vera.
Pinatawan ang mga ito ng indeterminate penalty ng pagkakakulong ng hanggang 6 na taon at isang buwan bilang minimum, hanggang walong taon bilang maximum.
Maliban dito, pinatawan din ang mga ito ng perpetual disqualification sa public office.