Binigyang diin ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na wala siyang bala na magtayo ng malakas na partido laban kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. kahit tiniyak nito sa kanyang PDP-Laban party mates na sila ay winning team.
Sa National Assembly ng PDP-Laban, iginiit ni Duterte na hindi sila nakikipag-away sa partido ni Marcos.
Dagdag ng dating pangulo, buo ang kanilang suporta politically para sa kasalukuyang administrasyon.
Sa kabila nito, inihayag ni Duterte, na hindi magbubulag-bulagan ang PDP-Laban sa anumang mga maling hakbang ng Marcos administration.
Ipinunto nito na magiging fiscalizer sila sa anumang mali, bilang ito umano ang halaga ng kanilang presensya.
