DepEd, aminadong nasa crisis situation ngayon ang sektor ng edukasyon sa Pilipinas

Aminado ang Department of Education (DepEd) na nasa krisis ngayon ang sektor ng edukasyon sa bansa.

Ayon kay DepEd Undersecretary Epimaco Densing III, mismong si Vice President Sara Duterte, na siyang kalihim din ng ahensya, ang naglahad sa kanila na mayroong “crisis situation” sa edukasyon, at nabanggit pa umano ni Duterte na nawawala sila ngayon, dahil masyado nang theoretical ang pagtugon ng gobyerno sa learning loss sa halip umano na maging practical at tingnan ang competent side nito.

Read More:  NBI may invite Padilla over Dela Rosa’s whereabouts

Nabanggit ito ni Densing nang matanong siya ni Senate President Pro Tempore Loren Legarda sa budget hearing, kung anu ang mga hakbang ng DepEd para matugunan ang mga hamon sa reading literacy sa mga learners.

Inilahad ni Legarda ang 2019 Programme for International Student Assessment (Pisa), kung saan ang Pilipinas ay pumuwesto sa dulo mula sa 79 na mga bansa sa reading comprehension at second-lowest sa parehong mathematical at scientific literacy.

Read More:  Robin Padilla denies ‘helping Bato escape’ after Senate CCTV release

Giit ni Densing, na ang 2019 Pisa result ay conclusive na paraan na umano para sabihin sa kanila na mayroon nang learning loss.

Kabilang naman sa nabanggit ng Deped chief na solusyon ay ang pagbuo ng learning recovery at continuity plan, gaya ng profiling at clustering ng mga learners batay sa academic needs; expand learning time; pagsasagawa ng end of school year o summer learning remediation intervention program; at isali ang mga magulang o legal guardians sa pagfacilitate sa learning.