DOH, nais na mapanatili ang deployment cap sa mga healthcare workers

Nais ng Department of Health (DOH) na mapanatili ang deployment cap para sa mga healthcare workers, para matugunan ang kakulangan ng healthcare manpower.

Ang pahayag ni DOH officer in charge Maria Rosario Vergeire ay kasabay ng pag-gigiit na ang migration ng healthcare workers ay isa sa mga dahilan na nahaharap ang bansa ng kakulangan sa manpower sa health sector.

Read More:  Zubiri apologizes to Bukidnon for joining minority bloc

Ayon sa acting DOH head, na sa ngayon may gap na 106,000 healthcare workers sa mga healthcare facilities sa buong bansa, sa parehong pampubliko at pribado.

Dahil dito, nakatakdang makipagpulong ang DOH sa Department of Migrant Workers at sa Department of Labor and Employment para matugunan ang naturang problema.

Read More:  Marcos declines comment on Imee’s no-el claim

Tatalakayin ng naturang mga ahensya kung anu ang mga incentives na kanilang maibibigay sa mga healthcare workers para manatili sila sa bansa, at kung anung mga benepisyo sa bansa makukuha ng bansa at health workers mula sa ibang mga bansa mula sa naturang deployments.