PCG, nagpalipad ng aircraft para tingnan ang sitwasyon sa Bajo de Masinloc

Nagpalipad ng aircraft ang Philippine Coast Guard (PCG) para i-monitor ang sitwasyon sa Bajo de Masinloc kasabay ng paglalayag ngayong araw ng Atin Ito Coalition.

Aton kay PCG Spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela, bukod sa aircraft, dineploy din ng PCG ang BRP Bagacay at ikinokonsidera rin ang pagde-deploy ng karagdagang barko ngayong araw.

Sinabi ni Tarriela, nagbigay ng commitment si PCG Commandant Ronnie Gil Gavan sa safety at security ng mga kasama sa civilian mission.

Samantala, nilinaw ni Tarriela na ang desisyon ng Atin Ito sa pagsasagawa ng resupply mission sa Bajo ay voluntary at hindi nila inudyukan o pinilit ang grupo na gawin ito.

Magandang senyales aniya ito na sumusuporta ang naturang civil society group sa posisyon ng pamahalaan sa WPS.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *