Navy, nanindigan hindi pahihintulutan ang reclamation activities sa Escoda shoal sa WPS

Nanindigan ang Philippine Navy na hindi pahihintulutan n ang reclamation activities sa Escoda Shoal sa West Philippine Sea (WPS).

Ito’y matapos makumpirma ang hindi natural na presensya ng crushed coral sa lugar, na nagpataas ng elevation ng Escoda Shoal.

Ayon kay Navy Spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Roy Vincent Trinidad, nag-istasyon na ng isang barko ang Philippine Navy sa lugar, kasabay ng regular na presensya ng Philippine Coast Guard (PCG), para mailantad ang iligal na aktibidad ng kung sino man ang nagtatambak ng corals sa Escoda Shoal.

Binigyang-diin ni Trinidad na mas malapit ito ng 35 milya sa mainland ng Palawan kumpara sa Ayungin Shoal, at malinaw na nasa loob Ito ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas.

Giit ng opisyal, hindi pahihintulutan ng Navy na maulit ang nangyari noong 2012-2013 kung saan nagsagawa ng reclamation ang China sa WPS upang lumikha ng mga artificial island na ginawa nilang mga base militar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *