Pinasalamatan ni Pangulong Bongbong Marcos ang alok na suporta ni Her Majesty Queen Máxima ng Netherlands, ang United Nations Secretary-General’s Special Advocate for Inclusive Finance for Development (UNSGSA), para sa financial inclusion at financial health sa Pilipinas.
Kasama ang pangunahing salik sa financial inclusion tulad ng connectivity, cybersecurity, digitization, and interoperable payments, pati na rin ang pagpapabuti ng financial health.
Sinabi ni Pangulong Marcos na may mga proyekto na sa pipeline na naglalayong pagbutihin ang koneksyon ng internet sa Pilipinas at binigyang diin na may kakayahan ang bansa na tugunan ito.
Ang courtesy call ni Queen Maxima kay Pangulong Marcos ay bahagi ng kanyang technical visit sa Pilipinas mula May 21 hanggang 23.
Nagpasalamat naman ang Special Advocate sa mainit na pagtanggap sa kanya ng pamahalaan ng Pilipinas.