Pilipinas, nakakapagtala ng 55 cases ng HIV kada araw; pinakamataas sa buong mundo

Nakakapagtala ang bansa ng 55 kaso ng HIV kada araw.

Ayon kay Health Secretary Ted Herbosa, ito ang highest sa buong mundo.

Sa ngayon anya ay merong 59,000 na people living with HIV ang Pilipinas, kung saan ang ilan dito sa edad na kinse anyos positibo na sa naturang virus.

Read More:  Comelec issues subpoena to contributor in Escudero’s election campaign

Ang masaklap naman dito, hindi nabibigyan ng tamang gamutan o ng anti-retroviral treatment o ARV ang mga menor de edad dahil hindi masabi sa magulang na meron silang sakit, kaya bumabalik na lamang ang ito pagsapit nila ng 18 years old, pero full blown na ang sakit na nagreresulta ng kanilang kamatayan.

Read More:  Madriaga included in VP Sara impeachment witness list

Samantala, nakikipag tulungan na ang DOH sa Department of Education para mabigyan ng tamang edukasyon ang mga kabataan patungkol sa nasabing sakit.

Isusulong din ng ahensya na mapayagan ang mga guardian at mga doctor na magbigay ng ARV sa mga pasyente.

Sa ngayon kasi tanging sa mga gobyerno lang makukuha ang ARV.